Noong Linggo, nag-enjoy ako ng sobra dahil sa Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington kasama ng aking barkada at kapatid. Feature film ito sa Cinemalaya (hindi contestant) pero kung kasali ito, mananalo ito, for sure, dahil sobrang nakatatawa ang mga linya at ang galing umarte ng lahat ng cast.
Panalo ang acting ni Martin Escudero dahil sobrang natural ang acting niya. Siya si Remington sa pelikula, ang lead role at ang galing niyang magbading-badingan. Bumilib ako dahil hindi siya nabubulol kapag nag-gay language na siya, at lumalabas sa expression ng mukha niya ang sandamakmak na emosyon na hiningi ng pelikula.
Kasali din sa cast ang aking Mommy sa office na si Angelina Kanapi. Siya ang gumanap na Mimi, isang pulis sa department ni Janice de Belen. Super funny ang role ng mommy ko dahil sa unang scene pa lang, may nakakatawa na siyang ginawa. Nakabudbod din sa buong pelikula ang kakulitan niya na sadya namang ikinahalagpak ng lahat ng taong nasa Tanghalang Nicanor Abelarde ng CCP.
Napicturan din namin ang iba pang cast na kasama, pati na ang mga gumanap na zombies sa pelikula.
Kasama rin sa cast si Mr. Roderick Paulate, John Regala, Eugene Domingo, Odette Khan, and Lauren Young. Kudos para sa direktor, Jade Castro, at sa mga writers, Raymond Lee at Michiko Yamamoto. Final verdict ni Chad: pagdating ng August 31, 2011, dapat panoorin ng lahat ng tao sa Pilipinas ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington.
3 comments:
grabe!!! photo credits!!!!
Most photos came from Rian and three came from Yayay!
i love you martin escudero!!! :) ♥♥♥
Post a Comment