Sweet o Stalker?

2 comments

Kaninang tanghali, kinausap ko ang isa sa aking mga direct report at tinanong ko siya kung bakit "Mint?" ang status message niya sa office chat namin. Ang sabi niya, may nangyari kasing kakaiba sa kanya kanina. Noong siya ay papasok sa building ng opisina namin, may lalaking humabol sa kanya upang iabot sa kanya ang isang love letter. Nakasaad sa sulat na matagal nang humahanga ang lalaki sa kanya at naghintay lang ito ng tiempong magkasabay silang muli sa van upang iabot ang sulat sa kanya. Ramdam sa sulat ng lalaki na sobrang mahiyain siya at pero may pagkaromantiko siya dahil nakayanan niyang mag-tiis na dalhin ang sulat araw-araw sa pagbabakasakaling magkasabay sila ng aking alaga. Sa panahong uso na ang pag-liligawan sa text, Facebook, at kung anu-ano pang mga paraan, naisip ko na sweet ang lalaking ito. Kaya lang, maraming hindi sang-ayon sa aking sinabi. Stalker at creepy daw siya. Ito ang tanong: sweet o stalker?

2 comments:

Post a Comment

 

©Copyright 2011 ©hadography | TNB