Payong Kaibigan sa Araw na Maulan

3 comments

Kaninang tanghali, nag-uusap kami ni Abi at nasabi niyang nasira araw
niya. Ang sabi niya, may nangungulit daw sa kanya kaya naman pinayuhan
ko siya ng malupit. Para hindi masira ang araw niya, dapat sumunod
siya sa mga panuntuning isinasabuhay ko.

1. Sabihin sa sarili: "Walang sisira ng araw ko. Ako lang! Ang manira,
idedemanda ko ng destruction of private property!" Pero sa seryosohan lang, choice nating lahat na mabwisit o maging masaya. Kung mabuwisit tayo, hinayaan nating maging ganun ang buhay natin. Laging may choice na tumingin na lang sa masasayang bagay tulad ng mga pagkain.

2. Tuwing Pasko, pwede ring kahit kailan, regaluhan ang sarili kung
walang magreregalo sa iyo. Hindi ito kahibangan at lalong hindi rin
dapat tanggapin ng sobrang literal. Ang ibig sabihin nito, dapat,
marunong tayong magpasaya ng sarili kahit na walang magandang
nangyayari sa atin. Kung maghihintay lang tayo, naku, baka luwa na ang
mata natin sa inip, wala pa ring magandang mangyayari at hindi na tayo
sasaya kahit kailan.

3. Araw-araw, maghanap ng maliliit na kaligayahan. Kapag inipon natin
yun, magiging malaki din yun. Ito, hindi masyadong complicated. Kahit
na maliit na candy lang, tulad ng Benson's Eclair, dapat maging masaya
na tayo dun. Madali kasi maganap ang maliliit na ligaya sa buhay kaysa
naman sa mga one-time-big-time na dambuhalang ligaya. Baka nga
ikamatay pa yung ganun gaya ng pagkapanalo sa lotto -- baka ma-heart
attack lang tayo o kaya nama'y ma-kidnap for ransom.

4. Ipagpiyesta kung makakahanap ng maliliit na kaligayahan. Isa pa
itong di dapat literalin dahil magastos maghanda ng menudo at
kaldereta. Ang ibig ko lang sabihin, gawin din itong source ng
happiness na pwedeng i-share sa iba. Kunyari, pag pinangalandakan
natin sa mundo na natutuwa tayo, yung mga friends natin, malalaman
nila yon at ngingiti rin. Pwede pa silang mag-share ng sarili nilang
kwentong masaya din. Dadami ang saya, di ba?

5. Kapag natutuksong gumawa ng katarantaduhan, sabihin sa sarili:
"Hindi lumiligaya ang taong humahadlang sa ligaya ng iba." Parang
Golden Rule lang to, so sana hindi ko na siya i-explain.

Sa kasamaang palad, nasa step number 1 pa lang ako sa advice ko kay
Abi, naging magulo na ang office at nagtawanan na kami, so in-email ko
na lang siya ng link na ito para malaman niya ang iba pang mga steps.
Hopefully, makatulong din ito sa ibang taong makakabasa. Magandang
maulang hapon!


Addendum: Nang pumunta ako sa blog ni Abi, nakita ko na quotable na pala ako. Thanks Abi!!!

3 comments:

Post a Comment

 

©Copyright 2011 ©hadography | TNB