Kung sa sense at sense lang ang pag-uusapan, narealize kong may mga salitang may itinatagong lungkot. Isa na dito ang salitang “fit.” Siguro, lahat ng tao, gusto ang meaning nito:
- Fit as in maganda ang pangangatawan.
- Fit as in eksakto sa isang sitwasyon.
Yung pangalawang kahulugan ang napaisip sa akin, “Kung fit siya, lapat na lapat lang siya. Kung liliit, eh di maluwang na. Kung lalaki, e di hindi na magkakasya.” In a sense, malungkot dahil ang “fit” ay walang ibang pwedeng gawin. Kailangan niyang manatili sa kung ano man siya para mag-fit siya. Tama? Kung ganon, ang “fit” ay nagbibigay ng limitasyon sa isang bagay. Boundaries. Limits. Malungkot kung ganoon, pero dahil nakaaaliw ang narealize ko, nakapagpasaya naman iyon sa akin.
Nandiyan naman din ang salitang “silence.” Weird ang salita na iyan dahil sinisira ng salitang iyan ang bagay na tinutukoy niya. Sige, hala, sabihin mo, “Silence.” Tahimik pa nga ba? Di ba, hindi na? Itong point na ito, hindi ako ang original na nakaisip niyan. Napulot ko lang iyon sa idol ko, si Wislawa Szymborska. May isang tula kasi siyang nabanggit niya ang “silence”:
The Three Oddest Words
Wislawa Szymborska
Translated by
S. Baranczak & C. Cavanagh
When I pronounce the word Future,the first syllable already belongs to the past.When I pronounce the word Silence,I destroy it.When I pronounce the word Nothing,I make something no non-being can hold.
Ang galing ng idol ko, di ba? Gusto ko, ganun din ako ka-astig mag-isip.
Alam kong medyo weird ang pampalipas-oras kong ito, pero natutuwa talaga ako dito. Sa kabila ng nagsalimbayang mga problema ko, ito na lang talaga ang maaasahan kong pampasaya sa bawat araw na wala pa akong nakikitang solusyon.




2 comments:
This entry reminds me of a book I have - it's called "They Have a Word for it". I'll bring it on Monday, baka matuwa ka sa kanya. It's a collection of random words without direct translations in English. =)
I'm looking forward to it, Mich! :-) Feeling ko nga, masaya yun.
Hahaha! Hope you're feeling well! See you soon!
Post a Comment