Kanina, bandang alas-otso ng gabi, may naitanong sa akin si Bianca, ang isa kong co-supervisor sa office.
Bianca: Chad, kahit kailan ba, naisipan mong mangibang-bansa?
Siyempre, ako naman, napaisip ng malupit-lupit, yung tipong mapagpatol sa mga tanong. Ang sabi ko:
Oo naman. Dati, gusto ko mag-punta sa Japan.
Bianca: Ano naman ang gusto mong trabaho?
Chad: E di magkusinero! Alam mo namang gusto ko magluto at kumain, eh. Ginusto ko ring magwalis sa mga templong Shinto ng Japan. Hahaha!
Siyempre, natawa ang Bianca at nagsimula na ang Chad na maglitanya tungkol sa mga pangarap. Noon kasi, naipagkumpara ko ang mga pangarap ng mga Pilipino sa mga pangarap ng mga Hapones. Lagi kong naririnig ang ganitong pangarap:
Umangat sa buhay. Kumain ng sapat. Magkaroon ng magandang edukasyon, trabaho, at pamilya.
Naisip ko, vague ang mga pangarap na iyon. Kaya siguro kaunti lang sa atin ang nakatutupad ng mga pangarap. Base sa mga pangarap na narinig ko mula sa Japan, specific ang gusto nila:
- Azuma Kazuma (Yakitate Japan) – gusto gumawa ng tinapay na tatanghaling “Japanese bread”
- Momoko (Wedding Peach) – gusto mag-asawa
- Ash Ketchum (Pokemon) – gusto maging pinakamagaling na Pokemon master
Ok, so anime ang mga examples ko, pero reflection kasi ang mga yon ng totoong buhay. Inisip ko:
Hmmm… Bakit nga ba simple at eksakto lang ang mga pangarap nila?
Sa kakaisip ko, natapos na akong mag-college at nagtatrabaho na ako nang malaman ko ang mga sagot:
- Mas madaling tandaan ang mga simple at eksaktong pangarap.
- Mas madaling tuparin ang simple at eksaktong pangarap.
- Ang pangarap na natupad, kahit gaano kaliit, wagas ang kaligayahang naibibigay.
Pagkatapos ko ma-realize ang mga bagay na iyon, sinimulan kong maging mas specific ang mga pangarap ko, so ngayon, ganito na ang itsura ng listahan ko:
- Magkape
- Magsulat
- Magkaroon ng taniman ng kape para di na magtrabaho.
- Magsulat habang nagkakape na inani ko sa sarili kong coffee farm.
- Mapublish bilang isang children’s story writer.
Yung una at pangalawang pangarap ko, natutupad ko sila sa araw-araw ng ginawa ng Diyos. Ergo, sumasaya ako araw-araw. Yung huling tatlo, unti-unti, ginagawan ko ng paraan gaya ng magtrabaho, nag-pundar ng mga lupain, at mag-ipon (na hindi masyadong natutupad dahil may sakit ngayon si Mommy). Sa bawat araw na ginagawa ng Diyos, iniisip ko lang yung mga pangarap ko at walang trabahong mabigat dahil iniisip ko, mahaba man ang prusisyon, sa kapihan din ang tuloy! Hahaha! Sana, sa mga makakabasa ng post ko na ito, na-inspire ko kayo na mag-revise na rin ng mga pangarap. Sana, maging simpleng mga pangarap na rin ang isipin ninyo para lagi rin kayong maging masaya tulad ko. Hohoho!





5 comments:
Mag-bblog din ako tungkol sa pangarap ko! :)
Hahaha! Sige lang. Masaya yan!
nagustuhan ko to'ng post nato. napaisip tuloy ako kung ano pangarap ko dati. gusto ko dating maging teacher, kaya ayun naging ESL Tutor ako. hehehehe
Ay, gising ka pa. Hahaha! Thanks sa pag-appreciate, at masaya din ako na napaisip kita. :-) That's the entire idea.
wow all about dreams, oo nga, dati nisip ko rin mag abroad...pero never nangyari...
Post a Comment