Noong July 11, Lunes yon, umulan. Sa loob-loob ko, ayaw kong mababasa ang paa ko o ang medyas ko ng tubig kaya naisipan kong isuot ang aking mapagkakatiwalaang boots. Dahil marami akong sapatos na iniiwan sa opisina, nagpalit ako kaagad ng sapatos na mas maalwang suotin, at nakalimutan ko nang iuwi ang boots ko. Noong Huwebes, sabi sa akin ni Bianca, "Kaninong sapatos ba yan?" Ang translation non ay, "Ampanget ng sapatos." Sabi ko, "Nyek! Akin yan no. Wag mo yang aalipustahin dahil maaasahan ko yan. Yan lang ang hindi pinapasok ng tubig na sapatos ko kaya sinusuot ko lang yan pag umuulan." Eh bakit daw kasi sobrang pangit. Di tulad ng sapatos niyang pagkaganda-ganda. Dahil doon, naisipan naming kunan ng litrato ang aming mga sapatos. Beauty and the Beast pa nga ang drama. Inayos-ayos pa namin yung pose ng mga sapatos hanggang nakarating kami sa picture na nasa taas. Oo, nakakahiya, pero napagkatuwaan naman namin ang pagkuha ng litrato kaya ipinost ko na lang din dito. Hahaha!
Toyo at Suka
11 years ago





0 comments:
Post a Comment