Ligaya Anonymous

4 comments

Kaninang tanghali, magandang balita ang sumalubong sa akin. Kinausap ako ni Bianca, at sinabi niyang may nadiskubre siya sa blog niya. Tiningnan daw niya ang analytics niya at may isang click daw na napadpad sa blog niya, ang Rae-ism, na ginamit ang mga key words na "Chad Bernal's blog" sa isang Google Search. Sabi niya, "Sino kaya yun?" Tawagin natin siyang Ligaya Anonymous dahil napasaya niya ako kahit di ko siya kilala.

Siyempre, dahil mapagkumbaba akong bata, hindi ko naisip at hindi ko rin sinabing, "OK, so ako na ang sikat - ginu-Google Search search na ako!" Hindi rin ako ngumiti ng pagkalapad-lapad. Hindi rin ako tumawa ng pagkalakas-lakas kahit nasa gitna kami ng opisina nag-uusap. Humble nga kasi ako.

Ok, so serious na ulit. Natutuwa naman talaga ako at hindi naman siguro kahambugan kung ikatutuwa ko ang mga bagay na iyon, kaya magte-thank you ako sa taong nag-Google Search para sa blog ko:

Salamat! Salamat! Salamat!

Kahit hindi kita kilala, Ligaya Anonymous, naramdaman kong may naka-appreciate na sa mga nakasulat sa blog ko. Thank you ulit!

4 comments:

Post a Comment

 

©Copyright 2011 ©hadography | TNB