Isang Sudokung Panaginip

2 comments
Last week, formally, natuto ako maglaro ng Sudoku. Dahil matagal ang pila sa van na sinasakyan ko pauwi, binasa ko ang manual ng app sa phone ko, at nakuha ko lahat ng rules -- kailangan ng 1-9 sa isang hilera pati na sa mga square at bawal mag-ulit ng number. Ok, so medyo geeky ang natutunan ko pero masyado ko yatang siniryoso since napapanaginipan ko ang pagtuklas sa mga nawawalang numbers sa mga squares. Napanaginipan ko ang Sudoku, si Storm ng X-men, at ang isang friend/office mate ko.

Kahapon, pagkatapos kong hintayin matulog ang mama ko, nagsiesta ako sa kwarto ko at napanaginipan kong nakasakay daw ako sa isang van. Maraming taong sakay ang van, at lahat sila, international ang mga design. Mga caucasian, in other words. We were supposed to go to this terminal -- ops, napa-English tuloy ako. Sige, tuloy ang kwento.

Papunta kami sa isang terminal pero hindi ko alam kung anong nangyayari. Tumigil ang van sa isang maalikabok na daan, na may maliit na baryo. Bumaba ang lahat ng nakasakay at nagmamadaling sumilong sa isang hintayan ng kung ano, pero pakiramdam ko, eroplano. Parang mission papunta sa mahirap na lugar ata yung nasalihan kong group na iyon.

Dahil nga tuliro pa ako at hindi ko alam ang nangyayari, nawala sa isip kong dalhin ang bag ko, at may nagsabi pa sa akin na, "Mate! We're going in few ticks. Where's your gear!?!" Nataranta ako kaya binalikan ko ang van na sinasakyan ko para kunin ang bag ko pero wala na doon. Naisakay daw sa jeep na umaandar paalis kaya hinabol ko ang jeep. Sa kasamaang palad, lahat ng bagahe ay nakatali sa bubong ng jeep kaya pinatigil ko ang jeep pero hindi ito tumigil. May isang teenager na nakasakay at kinakausap ako. Hindi ko nga lang matandaan ang sinabi niya, at biglang lumiko ang jeep sa isang eskinita at napilitan akong bumaba.

Dahil sadyang litung-lito na ako, nasabi ko na lang, "What the hell is going on here?"

"Dad," sabi sa akin ng anak-anakan kong si Myri (ang team leader ng isang team na inaalagaan ko sa office), "We're trying to awaken Storm's 6th power. Her strength."

Sa isip-isip ko, "Storm? Pano naman napasok sa usapan si Storm?"

As if she read my mind, sabi sa akin ni Myri, "She's the mistress of the elements, a queen in Africa, a powerful woman. We need to awaken her strength."


Pagkatapos sabihin sa akin ni Myri yun, bigla na lang akong nagkaroon ng premonition. Nakita ko ang mga squares ng Sudoku at nagliyab bigla ang number 6 na pulang-pula. Kumidlat. Kumulog. Nakita ko sa isip ko na lumipad si Storm mula sa tuktok ng isang bundok. Tenenenenen, tenenenenen, tun tunt! Narinig ko ang theme song ng Uncanny X-Men na pinapanood ko sa TV nung bata pa ako, at bigla na lang akong nagising.

Grabe ang mga panaginip ko ngayon -- tungkol sa Sudoku. Ito lang ang natatandaan kong ikuwento ngayon pero alam ko, may isa pang panaginip na ganun din ang format. May magulong sitwasyon at kailangang mag-unlock ng nawawalang number ng isang Sudoku square.

Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na ito? Sana, may mag-interpret naman sa inyo, please.

2 comments:

Post a Comment

 

©Copyright 2011 ©hadography | TNB