Parikala I

2 comments
May isda, may isda
sa aking gunita.
May ibon, may ibon
sa aking emosyon.
May langgam, may langgam
sa 'king agam-agam.
May uod, may uod
sa aking gulugod.
May pusa, may pusa
sa aking salita.
May aso, may aso
sa aking sentido.

Mahirap isipin,
masayang sabihin.
May gaan ang tawa,
mayluha sa mata.


Para sa Buwan ng Wika, ako'y gumawa ng tula. Hindi 'to komplikado, at sana'y sumaya kayo. 

2 comments:

Post a Comment

 

©Copyright 2011 ©hadography | TNB