Kaninang umaga, nang binuksan ko ang email ko, may email pala si Airah sa akin:
Subject: To: the "God" of his universe; From: the Goddess of her favorite corner =)
Chad,
Hi. Hindi pa naman masyado late at night para dito. First, bka s sweldo ko na mbigay yung 100 mo.. Sorry panira ako sa budget mo. I've learned the lesson from what happened pero hindi naman ako papatalo dun.I can still review essays, pero hahatiin ko muna time ko sa pag-aasikaso ng mga pagpapanotaryo (hindi ko nagawa today eh..wala pa kasi talaga ko mahingan kasi ngpasukan). Bka rin mga thursday na ako mkapasok dahil wala na ako pera. Wla pa rin ako e-mail para ky sir norms
I would also like to take this opportunity to thank you for everything. Una pa lang, isa ka na sa mga taong nag guide kung ano dapat at hindi dapat gawin sa office. Marami ka na ring naituro sa akin na thankful naman ako. Isa sa mga gusto ko ipagpasalamat yung mail mo nung inispot check ako. yung mail na sabi mo, ok naman mark ups ko at gusto mo na akong unahan kasi baka maapektuhan ako masyado sa mga comments mo.
Honestly, I'm feeling so down at that time. I read your e-mail early in the morning, and I bursted in tears (na itinago ko ky ira hahah) kasi I felt your presence. I felt that somehow, somebody knows what I feel. Nakaramdam ako ng kakampi because of your message. Crying that time really helped me to release my emotions. Yung confusion, yung doubt.. lahat. I feel better afterwards kahit hindi mo pa ako knakausap nung afternoon nung pumunta tayo [sa bangko] kasama si Ira. Then, nung nbiktima ako ng budol budol, you're one of the people who showed up sa festival mall para sunduin ako. I thought, "Ikaw na naman..." (hindi to pagrereklamo haha!)
You never fail to touch me, ChadThanks for being...well if you'd accept this thought of mine, a kuya figure. For guiding me all throughout my stay sa [office], until now na mas matigas na ulo ko
Hindi ko man lagi masabi, I appreciate your every effort, even the simplest acts of kindness. Thank you for believing in me.
P.S
Sorry kung medyo corny ata. XD
at salamat sa hula mo dati smin ni ira.
Wish you happiness! =)
--
Airah V.
Pagkatapos kong mabasa ang email ni Airah, sumaya ako ng sobra. Eksaktong malungkot pa naman ako kanina. Parang puputok ang puso ko sa nag-uumapaw na saya dahil na-touch ako sa in-email niya sa akin, pero siyempre, dahil isa akong supervisor, pinigil ko yon. Imbis na paputukin ko ang puso ko, naluha na lang ako ng konti. Nakakahiya namang ngumawa ako sa opisina. Magandang simula yon para sa araw ko at yung mga hindi ko nagawang trabaho noong Sabado, pakiramdam ko, bawing-bawi naman iyon.



0 comments:
Post a Comment