Ninja

2 comments
Noong June 7, bago maisilang ang blog na ito, nag-company outing kami sa Calatagan, Batangas at natupad ang isa sa mga panaginip ko: ang maging isang ninja! Medyo hapon na nang bumaba ako sa dalampasigan at naabutan ko doon sina KM, Ninky, at Abi. Dahil maganda ang sunset, gumagawa ng backlit na pics, napagtripan naming kumuha ng mga jumpshots na naging fight scene.


Una muna, ako lang. As in jump na jump talaga ako dahil sa pambubuyo ni Ninky at Abi. Ito ang kinalabasan:


Dahil di pa kuntento si Ninky at Abi, naging fight scene ang mga susunod na pangyayari dahil "ahng galeng" daw at parang "karate kid." Kaya lang, gusto ko maging ninja, kaya walang kokontra. Hehehe! In the green corner -- favorite color ko -- Chad! In the other corner, KM!


So, ayun. Magaling nga ang nangyari. Kaya lang, napagod na ako sa katatalon kaya sabi ko, roundhouse kick na lang muna.


Buti na lang, pumayag sila. Hohoho!  Sa tuwing tinitingnan ko ito, naiisip ko na hindi naman pala imposibleng matupad ang mga pangarap kahit sobrang ilusyunado o imposibleng mangyari. Nagkaron na ako ng historic moment sa Batangas -- ang maging isang ninja. Kahit sa picture lang, natutupad ang mga pangarap.

2 comments:

Post a Comment

 

©Copyright 2011 ©hadography | TNB